^

Police Metro

Motor sumalpok sa trak: Rider tigok

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na si Leonardo Llanes, 26, ng Purok 1, Brgy. Padang habang sugatan ang angkas nitong sina Denver Dayap at Rizal Santilla, kapwa residente ng Brgy. Bitano matapos ang sinasakyan nilang motorsiklo ay su­malpok sa kasalubong na trak sa kahabaan ng kalye ng Brgy. Dapdap, Legazpi City, kamakalawa ng umaga.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:45 ng umaga, ay binabaybay ng motorsiklo (EO-12138) ng mga biktima ang kahabaan ng kalye nang bumangga ito sa kasalubong na Isuzu dump truck na walang plaka na minamaneho ni Rico Abinon, 32, ng Brgy. Maslog.               

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ng ilang metro ang mga biktima sa kalsada. Kusang loob na sumuko ang drayber ng trak.

vuukle comment

LEONARDO LLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with