^

Police Metro

Pulis nahulihan ng isang sachet ng shabu

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pulis nahulihan ng isang sachet ng shabu
Ang suspek na si PO1 Reygie Celso matapos na mahulihan ng isang sachet ng shabu ng kanyang mga kabaro.
Non Alquitran

MANILA, Philippines — Isang aktibong pulis ang inaresto matapos na mahulihan ng isang sachet ng shabu nang sitahin habang ito naglalakad sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si PO1 Reygie Celso, 38, nakatalaga sa District Mobile Force Battalion (DMFB) ng Southern Police District (SPD) at residente ng Kapitbahayan Village, NBBS, Navotas City.

Batay sa ulat, alas-11:45 ng gabi ay nagsasagawa ng Anti-Criminality Campaign and Law Enforcement Operations (SACLEO) ang mga tauhan ng  Station Drug Enforcement Team (SDET) sa Osorio St,, Tondo nang mamataan si Celso na pinagdudahan ang ikinikilos.

Sinita at kinapkapan si Celso at nakuha sa kaniyang katawan ang isang maliit na sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia.

Nang dalhin sa presinto at imbestigahan ay natukoy na isang pulis ito na aktibo pa sa serbisyo.

Nakatakdang ipagharap ng reklamong paglabag sa section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 si Celso na kinasuhan din ng administratibo.

vuukle comment

REYGIE CELSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with