^

Police Metro

Ginang na nagpa-abort sa motel, namatay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Ginang na nagpa-abort sa motel, namatay
Sa ulat, alas-2:30 nang hapon nang maireport sa Barbosa Police Community Precinct (PCP) ang insidente ng abortion sa loob ng Hotel 99 sa R. Hidalgo St. Quiapo, Maynila.
File

MANILA, Philippines — Isang 32-anyos na ginang na kararating lang sa Pilipinas mula sa pagtatrabaho bilang domestic helper sa Gitnang Silangan ang nasawi matapos na ito ay maubusan ng dugo sa kanyang ginawang pagpapa­laglag sa sanggol sa kanyang sinapupunan sa loob ng isang motel, sa Quiapo, Maynila, kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Nelia Asuncion Sotelo, ng Barangay Barang, Paniqui, Tarlac.

Sa ulat, alas-2:30 nang hapon nang maireport sa Barbosa Police Community Precinct (PCP) ang insidente ng abortion sa loob ng Hotel 99 sa R. Hidalgo St. Quiapo, Maynila.

Bago ito ay nag-check in noong Hulyo 10 dakong ala-1:00 ng hapon ang biktima kasama ang kaibigang si Catherine San Jose, 36, sa Room 526 ng motel at alas-2:00 ng hapon ng araw na iyon ay dumating ang ang isang Luzviminda Tibay, 57, na nagsagawa umano ng pag-abort  na nabayaran ng P10,000.

Dakong alas-2:00 ng hapon noong Miyerkules, nang madatnan ni San Jose ang biktima na naka­handusay sa banyo ng motel at umaagas ang dugo sa kaniyang kaselanan at walang malay. Base sa attending physician na si Dra. Stephanie Donato, “Septic Shock from Induced Abortion” ang sanhi ng pagkamatay ni Sotelo.

Naaresto si Tibay na ipinagharap ng kasong kriminal.

vuukle comment

ABORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with