^

Police Metro

2 holdaper tumba sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa
2 holdaper tumba sa shootout
Sa ulat ni CALABARZON Police Director P/Chief Supt . Edward Carranza, naganap ang engkuwentro sa pagitan ng mga suspek at mga pulis dakong alas-3:30 ng madaling araw sa nasabing lugar.
File

MANILA, Philippines — Tumimbuwang noon din ang dalawang pinaghihinalaang holdaper matapos na makipaghabulan at maki­pagbarilan sa mga pulis na tumutugis sa kanila naganap sa Brgy. San Antonio, Biñan City, Laguna nitong Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ni CALABARZON Police Director P/Chief Supt . Edward Carranza, naganap ang engkuwentro sa pagitan ng mga suspek at mga pulis dakong alas-3:30 ng madaling araw sa nasabing lugar.

Bago ito, ay hinoldap ng mga armadong suspek ang Bingo Tsunami na matatagpuan sa Brgy. Canlalay sa lungsod ng Biñan.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang ginawang panghoholdap ng mga suspek sa naturang establisyemento bago nagsitakas nang mabilis sakay ng isang kulay pulang motorsiklo.

Nang maalerto ang mga pulis sa nasabing panghoholdap ay agad naman rumesponde ang mga pulis na nauwi sa habulan at palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng dalawang suspek.

Kasalukuyan pang ­inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga bumulagtang suspek.

Narekober naman mula sa mga suspek ang ginamit na motor sa pagtakas, dalawang improvised na baril, dalawang kulay itim na body bag at mga basyo ng bala.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with