^

Police Metro

DOTr target ang 20 bagon ng MRT-3 na makabiyahe

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang matagumpay na mapabiyahe noong Lunes ang 15 tren ng MRT-3 ay tinatarget ng Department of Transporation (DOTr) na madagdagan pa ito ng 5 tren.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan, ngayong mas marami nang mga tren na bumibiyahe, inaasahan na nilang mas iikli ang pila ng mga pasahero tuwing peak hours, gayundin ang oras na ipaghihintay ng mga ito upang makasakay ng tren.

Gayunman, nais aniya nilang higit pang maging kumbinyente ang mga pasahero kaya’t target naman nilang gawing 20 ang kanilang mga bumibiyaheng tren sa mga susunod na buwan.

Kumpiyansa naman si Batan na magiging posible ito sa tulong ng bagong rehabilitation at maintenance provider ng MRT-3, na inirekomenda ng Japan International Cooperation Agency (JICA), at inaasahang magte-take over na sa buwan ng Mayo.

Matatandaang huling nakapagpabiyahe ng 15-tren ang MRT-3 noong Enero 5, 2018 pa.

Sa datos ng DOTr, ang 15-tren na may tatlong bagon kada isa, ay kayang magsakay ng 405,000 pasahero kada araw.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with