^

Police Metro

Mag-utol natusta sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng batang magkapatid makaraang makulong ng apoy sa nasusunog nilang ta­hanan na nagresulta rin sa pagkatupok ng mahigit 300 kabahayan sa Brgy. Pajo, Lapu-Lapu City, Cebu nitong Biyernes.

Sa ulat ng Lapu-Lapu City Fire District Central ang sunog ay sumiklab pasado alas-5:10 ng hapon at idineklarang under control bandang alas-8:20 ng gabi kung saan unang napaulat na nawawala ang dalawang magkapatid na paslit na nagkakaedad 1 at 3 anyos.

Nitong Sabado, bandang alas-4 ng mada­ling araw ay buto na lamang nang matagpuan ng ka­nilang ina na si Jennifer Cañedo, 28 anyos ang ka­niyang mga anak na nasawi sa sunog matapos na balikan ang puwestong kinatitirikan ng kanilang tahanan sa Sitio New Paradise, Brgy. Pajo, Lapu- Lapu City.

Sa imbestigasyon, nasa ground floor ang ginang nang biglang sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.

Lumilitaw na naglaro ng posporo ang dala­wang paslit na tumupok sa kanilang bahay na siyang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with