^

Police Metro

Pangulo ng jeepney association, itinumba

Danilo Garcia - Pang-masa
Pangulo ng jeepney association, itinumba
Inisyal na nakilala ang nasawi na si Jerry Adolfo, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. Tinajeros, ng naturang lungsod. Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa salarin.
File

MANILA, Philippines — Isang jeepney driver na tumatayo ring pangulo ng kanilang asosasyon ang nasawi makaraang barilin ng isang hindi nakilalang salarin na nagpanggap na pasahero, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Inisyal na nakilala ang nasawi na si Jerry Adolfo, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. Tinajeros, ng naturang lungsod. Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa salarin.

Sa paunang ulat, nakapila sa kanilang terminal si Adolfo sakay ng kanyang ipinapasadang jeep sa may Del Pilar Road, Brgy. Tinajeros dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang pamamaril.

Nagpanggap umano na pasahero ang suspek at pumuwesto sa likod ng biktima saka bumunot ng hindi pa mabatid ng baril at barilin sa ulo si Adolfo.  

Nagtakbuhan palabas ng jeep ang ibang nahintakutan na pasahero ngunit sumabay dito ang salarin kaya hindi na natukoy.

Ayon sa mga kasamahan, si Adolfo ay ikatlong pangulo ng kanilang asosasyon na napaslang.  Dito ngayon nakatutok ang mga imbes­tigador upang mabatid ang motibo sa krimen at makilala ang nasa likod nito.

vuukle comment

JERRY ADOLFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with