^

Police Metro

Ama na pumatay sa sariling anak, kinasuhan na

Mer Layson at Angie dela Cruz - Pang-masa

Hindi binigyan ng pang-casino…

MANILA, Philippines — Isinampa na ang kasong parricide ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa ama na pumatay ng kanyang sariling anak dahil sa hindi pagbibigay ng pera ng biktima sa suspek.

Ayon kay P/Chief Insp. Titoy Cuden, hepe ng QCPD-Public Information Office, nai-akyat na sa Quezon City prosecutor’s ang kasong parricide laban sa suspek na si Antonio Sy, 83-anyos, negosyante na nakatira sa No.40 Dangalan St., Damar Village, Brgy. Damar, Quezon City. 

Si Antonio ay siyang responsable sa pagbaril at pagpatay sa kanyang sariling anak na si John Sy, 50-anyos, negosyante at residente ng No. 5 Dampol St., Damar Village, Brgy. Damar sa lungsod.

Nabatid na ang kasong parricide ay “non bailable offense” lalo pa’t binaril at napatay ang biktima ng walang kalaban-laban na sakay ng kanyang sasakyan noong paputukan ng dalawang beses ng suspek.

Nakakulong ngayon ang matandang Sy sa QCPD detention cell habang hinihintay ang “commitment order” ng korte kung saan ito ililipat.

Sa imbestigasyon na isinagawa ni PO3 Joven Raymaro, nabatid na ang mag-ama ay nagkaroon ng pagtatalo noong Biyernes ng alas-7:15 ng umaga dahil sa pagtanggi ng biktima na magbigay ng pera sa kanyang ama na pupunta umano sa casino upang magsugal.

Dito na nagalit ang matandang Sy dahilan upang bunutin nito ang kanyang baril at paputukan ng dalawang beses ang kanyang anak na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Nabatid na regular na nagsusustento ang biktima sa kanyang ama ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ito nagbigay nang malamang ipangka-casino lamang ng ama ang pera.

Agad naman nadakip ng mga nagrespondeng security guard ang suspek at nabawi sa kanya ang isang kalibre .45 Glock na baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with