^

Police Metro

Japan tutulong vs Maute-ISIS

Ellen Fernando at Rudy Andal - Pang-masa
Japan tutulong vs Maute-ISIS

Nagpakuha ng larawan si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga ASEAN Foreign Ministers at kanilang mga kinatawan sa closing ceremony ng 50th ASEAN Foreign Ministers Meeting (AMM) sa Philippine International Convention Center, Pasay City. Krizjohn Rosales

Bagong gamit na pandigma ibibigay...

MANILA, Philippines - Nakatakdang magbigay ang Japanese government ng mga kagamitan pandigma na pantapat sa mga teroristang Maute-ISIS na patuloy pa ring nakikipagbakbakan sa mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Sa press confe­rence ni Japan Deputy Press Secretary Toshihide Ando, sinabi nito na magbibigay ang Japan ng mga kaga­mitan tulad ng high-speed vessels at security related equipments na una nang napagkasunduan sa pagitan nina Japanese Foreign Minister Taro Kono at Phl Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na naglalayong suportahan ang pagsisikap ng Duterte administration na mapuksa ang ekstremismo sa Min­danao.

Ang alok ng Japanese government ay ipinara­ting ni Kono kay Ca­yetano kalakip ng isang sulat ng kanilang gobyerno matapos ang kanilang bilate­ral meeting nitong Linggo.

Ang nasabing assistance ng Japan ay ang karagdagan sa P100 milyong aid na unang inalok ng Japan para sa mga mamamayan na nagsilikas at nawalan ng tahanan sa Marawi dahil sa sagupaan at airstrike sa Marawi.

Ang naturang alok na tulong ay kalakip sa isang liham na ipinadala kay Pangulong Rodrigo Duterte mula kay Ja­panese Prime Minister Shinzo Abe.

Ang liham ay ibi­nigay ni Ambassador Kasuhide Ishikawa at Ministry of Foreign Affairs Director General Shigeki Takisaki kay Sec. Cayetano nitong Biyernes.

“I would like to express our deepest gratitude for Japan’s genero­sity as well as its commitment in the fight against terrorism,” pahayag naman ni Cayetano matapos ang kanilang pulong ni Japanese Foreign Minister Kono.

Tiniyak naman ni Cayetano sa Japan go­vernment na gagawin lahat ng Pilipinas upang agarang maresolba ang krisis sa Marawi City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with