^

Police Metro

Lady cop dedo sa ambush

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang babaeng pulis nang ito ay pagbabarilin ng riding in tandem suspects habang sakay ng kotse para mag-duty sa Barbosa-Police Community Precinct, Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinila­lang si PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa Barbosa-PCP, residente ng 1425 Lope de Vega St., Sta. Cruz.

Ang dalawang suspek ay sakay ng isang motorsiklo, na ang isa ay naka-helmet habang ang isa naman ay naka-face mask lamang.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-10:20 ng gabi ay minamaneho nito ang kanyang Mitsubishi Mirage G4, may conduction sticker na NP-9583 sa kahabaan ng Rizal Avenue.

Habang paliko sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz ay sumulpot at dinikitan nang mga suspek ang sasakyan ng biktima at  walang kaabog-abog na pinagbabaril ito.

Kahit may tama na ay nagawa pang magpatakbo ng sasakyan hanggang sa bumangga sa nakaparadang tricycle sa tapat ng Isetann Department Store na kung saan ay muling nilapitan ng mga salarin at pinagbabaril ang harapan at likod ng sasakyan.

Nakatawag pansin naman sa mga nagpapatrul­yang pulis ng Plaza Miranda PCP ang mga putok ng baril at kaagad na rumes­ponde sa lugar na nagdala din sa ospital sa biktima.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang anggulong mga operasyon sa illegal drugs ng Barbosa PCP at inaalam din kung nakunan ng closed circuit television (CCTV) ang pangyayari.

vuukle comment

LADY COP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with