^

Police Metro

Lider ng kidnapping group, tiklo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang most wanted lider ng kidnap for ransom gang na si Mansor Manupac Mantawil,33 ang nadakip ng pinagsanib na elemento ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) at ng Naval Intelligence Group (NISG) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Centro, Mandaue City noong Lunes ng gabi.

Batay sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi nang masakote at posasan ng mga otoridad si Mantawil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa kasong kidnap for ransom and serious illegal detention na walang inirekomendang piyansa; carnapping  na may P120,000 piyansa at dalawang counts ng robbery with intimidation na may tig P40,000 piyansa.

Si Mantawil ay lider ng Mantawil KFR gang na nag-ooperate sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, Lanao del Sur at Lanao del Norte na target ang mga mayayamang negosyante.

Pansamantala namang ikinulong si Mantawil sa detention cell ng Cebu City Police Station 2 habang hinihintay pa ang commitment order ng korte.

vuukle comment

PNP-AKG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with