^

Police Metro

Pulis dedo, kasama sugatan sa drug ops

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital si PO1 Enrico Domingo nakatalaga sa Special Operation Unit (SOU) ng Pasay City Police habang nasugatan ang kasama nitong  si PO2 Harley Garcera na kapwa nagtamo ng tama ng bala sa katawan matapos makipagbarilan sa isang drug addict na holdaper kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Tinutugis ng mga otoridad ang tatlong suspek kabilang si Randy Lizardo, nasa hustong gulang, isang ex-convict na miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang na isang kilabot na holdaper at addict, na nasa “drug  watchlist” ng pulisya.

Bago naganap ang barilan dakong alas-5:20 ng hapon sa Interior kanto ng  Pestañas St., at Park Avenue, Brgy. 69, Zone 9 ng naturang lugar ay nagsasagawa ng anti-criminality operation ang grupo ng SOU sa area ng Gil Puyat at Taft Avenue laban sa mga masasamang elemento na gumagala sa lugar tuwing rush hour.

Dito ay nakatanggap ng tip ang mga pulis na may nagaganap na drug session sa isang barung-barong sa naturang lugar kung kaya’t pinuntahan ito nina PO1 Domingo at PO2 Garcera.

Habang papasok ang mga pulis ay kaagad silang pinaputukan ni Lizardo at dalawang kasama nito ang mga pulis at sa palitan ng putok ay tinamaan ang dalawang pulis.

Narekober ng  SOCO sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng kalibre .45 baril, mga bala ng  .9mm at 5 plastic sachet ng shabu.

vuukle comment

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with