^

Police Metro

Tubig sa Marikina River tumaas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tumaas ang tubig sa Marikina River bunsod ng mga pag-ulan na dala ng bagyong ‘Karen’ kaya itinaas sa alert level 1 ang antas nito.

Pumalo ang lebel ng tubig sa 15.2 meters bandang alas-8:00 ng umaga kaya inabisuhan ang mga residente na malapit sa ilog na mag-handa para sa posibleng evacuation sa mataas na lugar.

Ayon sa Marikina rescue 161, nagsimulang tumaas ang lebel ng tubig sa ilog kamakalawa ng alas-11:00 ng gabi hanggang madaling araw.

Sa pagtaas ng tubig ay pansamantalang isinara ang mga business establishments sa bahagi ng Marikina Riverbanks.

Inaabisuhan ng mga opisyal ng Rescue 161 ang mga residente na malapit sa ilog na maging mapagmatyag at maging alerto sa mga ilalabas na anunsiyo.

vuukle comment

MARIKINA RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with