^

Police Metro

35 local execs sangkot sa droga-Digong

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa pakikipagpulong kamakalawa ni President-elect Rodrigo Duterte sa mga kongresista ay ibinun­yag nito ang pangalan ng 35 local executives na umano’y sangkot sa illegal drug networks sa bansa na plano nitong sugpuin.

Ayon kay Quezon Rep. Danilo Suarez na pina­ngalanan ni Duterte ang nasabing 35 local executives at hihilingin ni Duterte na bakantehin na agad ang kanilang puwesto.

“Parang binibigyan nya ng leeway ngayon na confess. Siguro lighter sentence dahil nag-confess ka na pero he is not saying clemency or pardon,” wika ni Suarez.

Ayaw naman sabihin ni Suarez ang pangalan ng 35 local leaders na umano ay  mayors o governors.

Aniya, inihayag din sa kanila ni Duterte ang plano nitong linisin ang hanay ng Philippine National Police lalo ang mga sangkot sa illegal drug industry at hihilingin nito ang suporta ng AFP para tanggalin ang mga men in uniform na sangkot sa droga.

Unang nang binalaan ni Duterte ang 3 heneral ng PNP na umano ay sangkot sa droga na  mag-resign na lamang at huwag na siyang hintayin na maupo bilang pangulo upang makaiwas na sila sa ‘kahihiyan’ na kanyang gagawin.

 

vuukle comment

CALOOCAN CITY

METRO CRIME

SUMMARY EXECUTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with