^

Police Metro

Lady cop, misis ng vice mayor todas sa tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang babaeng pulis at misis ng isang vice mayor habang sugatan ang isa pa nang sila ay pagbabarilin ng riding in tandem criminals kahapon sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina PO3 Lilibeth Sabal, naka­talaga sa Police Maritime Group (PMG) na nakabase sa General Santos City at misis ni Maguindano, Talitay Vice Mayor Abdul Wahab Allan Sabal.

Isinugod naman sa pagamutan si Sammy Ali­muddin, driver ni Sabal matapos na magtamo ng sugat sa katawan habang masuwerte namang hindi nasugatan ang isa pa nilang kasamahan.

Sa  inisyal na ulat ng Tacurong City Police, bago naganap ang pamamaril sa mga biktima dakong alas-12:00 ng tanghali sa bahagi ng national highway ng Tacurong City ay lulan ang mga biktima ng Toyota Hi-Lux na pag-aari ng pamil­ya Sabal mula sa General Santos City patu­ngong Maguindanao.

Pansamantala pumarada sa tabi ng highway ang behikulong sinasakyan ng mga biktima nang bigla na lamang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ng mga suspek at walang kaabog-abog na sila ay pagbabarilin.

Mabilis namang nagsitakas ang mga salarin na nakasuot ng kulay itim na bonnet patungo sa direksyon ng Isulan, Sultan Kudarat.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with