^

Police Metro

Truck nahulog sa bangin: 1 patay, 6 pa sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahilan sa naligaw na paru-paro na binubugaw ng driver, isa katao ang nasawi habang anim pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa malalim na bangin ang sinasakyan ng mga itong truck  sa highway  ng Brgy Induyan Alno, La Trinidad, Benguet nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Cordillera Police Spokesperson Supt. Cherry Fajardo, ang nasawing biktima na si Pedro Gumisa, 47 anyos, dead on arrival sa pagamutan.

Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina Roger Widwidan, 15; Tony Pinmangin, 35 ; driver na si Kim Tunguet, 22 at tatlong iba pa na hindi natukoy ang pagkakakilanlan.

Nabatid na ang tatlong hindi nakilalang nasugatan ay tumalon umano sa truck habang bumubulusok ito sa may 200 metrong malalim na bangin.

Bandang alas-3:30 ng hapon habang bumabagtas ang Isuzu Elf truck CTK 153 na minamaneho ni Kim Tunguet, 22  ng Tublay, Benguet nang may pumasok na paru-paro sa unahang bahagi ng behikulo na binubugaw ng driver bunsod upang mawalan ito ng pokus sa pagmamaneho.

Huli na nang hindi namalayan ng driver na pabulusok na sila sa bangin na siyang kumitil sa buhay ni Gumisa na idineklarang dead on arrival sa Baguio General Hospital habang sugatan naman ang iba pa.

vuukle comment

LA TRINIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with