^

Police Metro

5 katao namatay sa concert

Angie dela Cruz, , Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kapwa natagpu-ang walang ma­lay ang lima katao sa naganap na concert sa open grounds ng isang mall sa Pasay City, kahapon.

Ayon sa ulat ni Natio-nal Capital Regional Police Office (NCRPO) spokesperson, Chief  Insp. Kimberly Molitas na ang mga nasawi ay kinilalang sina Lance Garcia,  Ariel Leal, Bianca Fontejon, Erick Anthony Miller at Ken Migawa.

Ang lima ay ilan lang sa mga dumalo sa ginanap na “CloseUp Forever Summer Concert” sa open grounds ng naturang mall at natagpuan na nakahandusay matapos ang konsiyerto kaya’t isinugod sa San Juan De Dios Hospital, subalit hindi na umabot ng buhay.

Nabatid na hindi mag­kakasama ang lima at mag­kakahiwalay na bahagi ng venue na natagpuan na walang mga malay.

Patuloy namang ina­alam ng mga imbestigador ang dahilan ng pagkamatay ng tatlo.

Nabatid naman na pinayagan ng event organizer ang mga dumalo sa concert na bumili at uminom ng alak sa naturang concert.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with