^

Police Metro

Sa libel case ni ex-Makati Mayor Binay... Trillanes dakpin - Makati RTC

Lordeth Bonilla at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipinag-utos kahapon ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 142 na arestuhin si Senator Antonio Trillanes IV kaugnay nang isinampang libel case ni dating  Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay.

Sa pahayag ni Atty. Maricel Cairo, clerk of court ng Makati  City Regional Trial Court  (RTC), Branch 142, otomatiko ang pag-iisyu ng warrant of arrest laban kay Trillanes dahil sa nakitaan ng “probable cause” ang kaso.

Ang reklamo ni Binay laban kay Trillanes dahil sa mga pahayag nito partikular noong Abril 7, 2015 sa ilang programa sa radio at TV stations na sinuhulan ng una ang mga miyembro ng 6th Division of the Court of Appeals sa pamamagitan nang pagbabayad ng milyong piso kapalit ng  TRO upang ipatigil ang suspension order na ipinalabas ng Ombudsman sa kanya.

“Ang naging pahayag ni Trillanes ay walang batayan at kathang isip lang na ang nais ay siraan ang aking pagkatao maging ang pangalan ng aking pamilya.” wika ni Binay.

Sinabi naman ni Phi­lippine National Police (PNP) Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor  na handa nilang arestuhin si Trillanes at hinihintay lamang nila ang warrant of arrest ng korte bago ipatupad ang pag-aresto dito.

Ipinaliwanag ni Ma­yor na wala silang dapat piliin o iwasang pagsilbihan ng warrant of arrest dahil ang mandato ng PNP ay ipatupad ang batas maging sinuman ang masagasaan.

Gayunpaman, sinabi ng  opisyal na pangkaraniwan sa ganitong mga kaso, mabilis na nakapagbabayad ng piyansa ang kampo ng akusado bago pa man matanggap ng pulis ang kopya ang warrant of arrest kaya kadalasan ay hindi na ito naisisilbi pa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY

CITY REGIONAL TRIAL COURT

DIVISION OF THE COURT OF APPEALS

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR ERWIN

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

MARICEL CAIRO

NATIONAL POLICE

SENATOR ANTONIO TRILLANES

TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with