^

Police Metro

Holdaper patay sa mga pulis

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan umano ang isa sa tatlong holdaper na nangholdap sa tindahan ng litson manok kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Ang suspek na idineklarang dead-on arrival sa ospital ay kinilalang si Larry Dela Torre, alyas Larry Mata, 40,  miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik at nakatira sa kahabaan ng Capulong St., Brgy 93 Zone 8, District I, Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang barilan dakong alas-2:30 ng mada­ling araw sa nasabing lugar nagreklamo ang isang Raymund Alojado, kawani ng Andok’s Lechon Manok na matatagpuan sa kahabaan ng Juan Luna Street na hinoldap ng tatlong kalalakihan kabilang ang napatay na si Dela Torre.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad at ginalugad ang lugar na kinaroonan ng suspek at dalawa pa nitong kasamahan.

Subalit, pagsapit  sa lugar ay namataan agad si Dela Torre at dito na nagkaroon ng putukan at tinamaan ito.

Napag-alaman na si Dela Torre ay dati nang naaresto at nakulong sa Raxabago PS 1 noong Hunyo 22, 2015 sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong panghoholdap.

vuukle comment

ANG

CAPULONG ST.

DELA TORRE

DISTRICT I

JUAN LUNA STREET

LARRY DELA TORRE

LARRY MATA

LECHON MANOK

MAYNILA

RAYMUND ALOJADO

SIGUE-SIGUE SPUTNIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with