^

Police Metro

60-anyos inutas ng mag-ama

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 60-anyos na lolo matapos itong pagtulungang tagain ng mag-ama at isa pa sa Barangay Matictic, bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rolando Saplala ng Sitio Malaganit sa nabanggit na barangay.

Samantala, nasakote naman ng pulisya ang isa sa tatlong suspek na si Nestor Baldoza, 50, habang tugis ang anak nitong si Jerson Baldoza at isang di-kilalang lalaki.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Dennis Diaz, pauwi na ang biktima nang harangin at komprontahin ng mga suspek kaugnay sa isinampang kaso sa kanya kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo ay pinagtulungang pagta­tagain ng mga suspek ang biktima hanggang sa mapatay.

Nahaharap sa  kasong murder si Nestor habang pinaghahanap naman ang dalawa pang kasamahan nito.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY MATICTIC

BULACAN

DENNIS DIAZ

JERSON BALDOZA

KAMATAYAN

KINILALA

NESTOR BALDOZA

ROLANDO SAPLALA

SITIO MALAGANIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with