^

Police Metro

Nabitin sa alak, nanaksak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng 29-anyos na lalaki matapos saksakin ang kanyang kainuman dahil nabitin ito sa alak, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakaditine ngayon sa Caloocan PNP ang suspek na si Racky Orindian, obrero, at naninirahan sa #515 5th Floor, Building I, Isayah Street sa Barangay 175 Camarin sa nasabing lungsod.

Isinailalim naman sa ope­rasyon sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Norberto Velarde Sr., 55, may-asawa, obrero, at residente rin sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya, nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang barkada na si “Rey” sa loob ng unit ni Orindian nang maubusan ng alak.

Gayon pa man, gusto pa ng suspek na uminom ngunit tumanggi na ang mga kasama kaya ito nagalit at ibinato ang bote ng brandy sa mesa.

Inawat naman ni Velarde si Orindian at sinamahan pababa ngunit nagbunot ng Swiss knife ang suspek at tinarakan ang biktima sa sikmura saka nagtangkang tumakas.

Nasaksihan naman ni Nico Velarde, anak ng biktima ang pangyayari na tumakbo at hu­mingi ng saklolo kaya nakorner ang suspek at magulpi ng taumbayan.

Isinuko naman si Orindian sa mga tauhan ng Police Community Precinct 5. Dinala rin muna sa nabanggit na pagamutan ang suspek bago inilagak sa kulu­ngan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUILDING I

CALOOCAN CITY

DR. JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

ISAYAH STREET

NICO VELARDE

NORBERTO VELARDE SR.

ORINDIAN

POLICE COMMUNITY PRECINCT

RACKY ORINDIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with