^

Police Metro

Shootout: 3 drug pusher utas

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlo-katao na pinaniniwalaang notoryus drug pusher ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya kahapon ng madaling araw sa General Santos City.

Kinilala ni P/Supt. Maximo Sebastian ng Regional Special Investigation Detection Team-12 ang tatlo na sina Jun Hassim, Suma Sultan, at ang isa pang hindi kilalang lalaki na mga nakatira sa Purok Islam, Barangay South sa nasabig lungsod.

Naisugod pa sa Dr. George Royeca Memorial Hospital ang tatlo pero idineklarang patay.

Nabatid na sabay-sabay na pinasok ng mga operatiba ang walong bahay subalit sumiklab ang putukan mula sa tatlong bahay hanggang sa gumanti ng putok ang pulisya at napaty ang tatlo.

Hindi naman makapaniwala ang mga asawa at anak ng walong target sa search warrant na gumagamit ng droga ang tatlo.

Inaresto naman ang sampu-katao saka dinala sa Camp Lera habang nagpapatuloy ang search operation.

Narekober ang tatlong baril at mga iligal na droga habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

ANG

BARANGAY SOUTH

CAMP LERA

DR. GEORGE ROYECA MEMORIAL HOSPITAL

GENERAL SANTOS CITY

INARESTO

JUN HASSIM

MAXIMO SEBASTIAN

PUROK ISLAM

REGIONAL SPECIAL INVESTIGATION DETECTION TEAM

SUMA SULTAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with