^

Police Metro

Dalaga binaril ng dating nobyo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Posibleng mabaldado ang isang 18-anyos na dalaga matapos na siya ay barilin sa dalawang binti ng dating nobyo nang magselos na kasama na nito ang bagong nobyo naganap kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na nilalapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital ay kinilalang si Angel Laica Villoria, ng no. 390 Zabala St., Tondo.

Ang suspek na tumakas sakay ng kanyang motorsiklo ay kinilalang si Schan Vincent Suba, 18, ng Lico St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen, pasado alas-11:00 ng gabi ay katatapos na maghapunan ng biktima at bagong nobyo na si alyas Christian.

Pagpasok ng magkasintahan sa kuwarto ay narinig nila ang pagsigaw ng suspek na  “Angel, Christian patay na kayo” at pinasok sila sa silid at pinaputukan ng ilang beses.

Masuwerteng hindi tinamaan si Christian habang si Villoria ay nasapul sa magkabilang binti habang ang suspek ay tumakas sakay ng motorsiklo.

Ang dalaga ay dinala ng mga kaanak sa ospital para malapatan ng lunas.

Malaki ang hinala ng pulisya na nagselos ang suspek nang makita ang bagong nobyo ng dating nobya.

vuukle comment

ANG

ANGEL LAICA VILLORIA

BATAY

LICO ST.

MALAKI

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MASUWERTENG

MAYNILA

PAGPASOK

SCHAN VINCENT SUBA

ZABALA ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with