^

Police Metro

1 patay sa Pasig road rage

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Butas ang ulo ng isang driver ng van matapos na siya ay barilin ng driver ng kotse na kanyang nakagitgitan sa kalsada kahapon ng tanghali sa Pasig City.

Ang biktima na idineklarang dead-on- arrival sa ospital ay si Richard Tuazon, nasa hustong gulang, driver ng World Class Liminated Inc. na may tanggapan sa Barangay Maybunga, Pasig City.

Batay sa ulat,dakong alas-11:50 ng umaga sa itaas ng Rosario Bridge, Barangay Rosario ay nakagitgitan umano ng biktima na nagmamaneho Mitsubishi L-300 van (URG-714) ang isang Toyota Innova (APA-9824) na minamaneho naman ng hindi pa kilalang suspek.

Nagkaroon ng sagutan ang dalawa hanggang bumunot ng baril ang suspek saka binaril nang malapitan sa ulo ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang suspek.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Land Transportation Office upang mabatid kung sino ang may-ari ng kulay itim na Toyota Innova. 

Aalamin din kung nakuhanan ng CCTV ang  pangyayari upang makilala at matukoy ang suspek.

 

vuukle comment

AALAMIN

ANG

BARANGAY MAYBUNGA

BARANGAY ROSARIO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MITSUBISHI L

PASIG CITY

RICHARD TUAZON

ROSARIO BRIDGE

TOYOTA INNOVA

WORLD CLASS LIMINATED INC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with