^

Police Metro

Love triangle tinapos sa pamamaril... lover ni misis, dedo sa mister

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Niratrat ng isang dating pulis ang kanyang misis at umano’y lover nito habang naglalakad na magkaakbay kamakalawa ng gabi sa Kabacan, North Cotabato.

Idineklarang dead-on- arrival sa ospital ang biktimang si Loloy Sumalpong Bel, 34 dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang malubhang nasugatan ang umanoy kabit nitong si Cherry Sumatra, 36, ng Brgy, Poblacion.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Ram Hiponia Cea, dating pulis na nakadestino sa Police Regional Office-ARMM na umano ay mister ni Sumatra.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi ay masayang nag­lalakad na magkaa­k­bay sina Bel at Sumatra sa kahabaan ng Roxas St., Brgy. Poblacion at pagdating sa kanto ng Mantawil St., ay sumulpot ang suspek at agad na sila ay pinagbabaril.

Nang bumulagta ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.

Ang mga biktima ay isinugod sa ospital ng mga nakakita sa insidente, su­balit ideneklarang dead- on-arrival si Bel habang kritikal naman si Sumatra.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong love triangle sa krimen.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

CHERRY SUMATRA

LOLOY SUMALPONG BEL

MANTAWIL ST.

NORTH COTABATO

POLICE REGIONAL OFFICE

RAM HIPONIA CEA

ROXAS ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with