^

Police Metro

2-anyos ginilitan ng adik

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 2-anyos na batang babae na si Precious Midel  nang ito ay gilitan sa leeg ng isang lalaki na bangag sa droga na naganap kamakalawa sa Brgy. Vitali, Zamboanga City.

Agad din nadakip ang suspek na si Albert Legaspi, 38, na hawak pa ang duguang itak na ginamit sa krimen ng makorner ng nagrespondeng mga pulis.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen bandang alas-2:00  ng hapon sa Sitio Toctobo, Brgy. Vitali ng lungsod na ito ay pansamantalang iniwan ni Pilar Midel, 75, lola ng biktima  upang maglaba sa di kalayuan sa lugar.

Nang bumalik ang matanda ay nabungaran ang suspek habang hawak ang itak na tumutulo pa ang dugo ng kaniyang apo na ginilitan ng nito.

“Ikaw ang isusunod kong matanda ka, halika lumapit ka dito, tingnan natin kung malambot pa ang karne mo”, pagbabanta pa umano ng suspek sa matanda na napilitang tumakbo sa matinding takot at ini-report ang insidente sa pulisya. Nagresponde naman ang mga otoridad kung saan nasakote ang suspek.

vuukle comment

ALBERT LEGASPI

ANG

BATAY

BRGY

IKAW

NAGRESPONDE

PILAR MIDEL

PRECIOUS MIDEL

SITIO TOCTOBO

VITALI

ZAMBOANGA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with