^

Police Metro

Babaeng pulis nag-shoplift, dinakip

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang babaeng pulis ang dinakip ng isang sekyu ng mall dahil sa umano’y tangkang pagpuslit ng mga accesories na nagkakahalaga ng mahigit sa P5,000 naganap kamakalawa sa Quezon City.

Ang suspek ay kinila­lang si PO1 Irene Pelagio, 26, nakatalaga sa  Nagcarlan, Laguna Police Station.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Cris Zaldariaga, dakong alas-4:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa ground floor ng SM Cubao.

Bago ito ay nakita ang pulis sa may infant and teens section na nasa ikalawang palapag ng SM at namili ng mga items.

Nang makapili na ay  dumiretso ito sa fitting room at makalipas ng ilang minuto ay lumabas bitbit ang ilang piraso ng pinili niyang damit at naiwan umano sa loob ang ilang items saka nagpunta sa counter at nagbayad.

Nang makabayad ay lumabas ng SM ang suspek, subalit ilang sandali ay muli itong bumalik at nagtuloy sa fitting room at  inilagay nito sa dala niyang bag ang iniwang items na hindi bayad.

Subalit, hindi alam ng suspek ay nakamasid na sa kanya ang security guard ng mall at nang makita na palabas at hindi nagbaba­yad sa cashier ay doon na ito nilapitan at inimbitahan sa kanilang opisina.

Nakita ang damit at aka­sesorya ng pang sanggol at pang tinedyer na aabot sa kabuuang halagang P5, 517.50.

Ang suspek ay kinasuhan ng theft at posibleng maharap sa administratibo na kapag napatunayan ay maaaring matanggal sa serbisyo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CRIS ZALDARIAGA

CUBAO

IRENE PELAGIO

ISANG

LAGUNA POLICE STATION

NAGCARLAN

NAKITA

NANG

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with