^

Police Metro

Umawat sa away mag-asawa, napatay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang 33-anyos na elevator boy matapos na saksakin ng sariling bayaw nang  umawat ang una sa pa­nanampal ng suspek sa kanyang misis na kanyang kapatid kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang biktima na nasawi dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay  kinila­lang si Michael Sagun, 33, ng #63 B, Panday Pira St., Barangay West Rembo.

Agad na naaresto ang suspek na si  Narciso  Sejalbe, 21, nakatira din sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi ay kainuman ng biktima ang  kanyang dalawang bayaw na sina at Eddie Sejalbe, 33 at ang suspek.

Habang nag-iinuman ay biglang sinampal ni Narciso ang kanyang misis na walang dahilan kung kayat inawat ito ni Sagun.

Nairita si Narciso sa ginawang pag-awat ni Sagun, dahilan upang kumuha ng kutsilyo ang una at pinagsasaksak ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY WEST REMBO

BATAY

EDDIE SEJALBE

HABANG

MAKATI CITY

MICHAEL SAGUN

NARCISO

PANDAY PIRA ST.

SAGUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with