^

Police Metro

3 NPA rebels todas sa bakbakan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang tatlong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang tropa ng Philippine Army sa Juban, Sorsogon kahapon ng umaga.

Sa ulat, dakong alas-5:40 ng umaga ay nagsasagawa ng security patrol ang mga elemento ng Army’s 31st Infantry Battalion (IB) upang tiyakin ang kaligtasan ng mga doktor kaugnay sa isinasagawang medical mission sa Sitio Baybay, Brgy. Tinago nang makasagupa ang grupo ng mga rebeldeng komu­nista na pinamumunuan ng isang Andres Hubilla, na may alyas na Ka Magno, Bunso at Carlo.

Agad nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng tatlong rebelde habang dalawang sundalo ang nasugatan.

Narekober sa pinangyarihan ang tatlong bangkay ng napatay na rebelde, matataas na kalibre ng mga armas, dalawang laptops, pitong backpack na nagla­laman ng mga personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.- Joy Cantos-

 

vuukle comment

ACIRC

ANDRES HUBILLA

ANG

BRGY

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA MAGNO

MGA

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

SITIO BAYBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with