^

Police Metro

Snatcher na pulis, timbog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang pulis-Quezon City ang inaresto sa isang follow-up operation matapos na hablutin nito ang cellphone ng isang 17-anyos na estudyante at nang pumalag ay kanya pang ginulpi na naganap kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ang  suspek na kinasuhan ng physical injuries at robbery snatching ay kinilalang si PO2 Mike Tanguilan, 31, nakatalaga sa Anti-Carnapping Unit ng Quezon City Police District.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-9:00 ng gabi ay nagbabasa ng mensahe sa kanyang Kata cellphone ang biktimang si Johnric Labadia sa tapat ng kanyang bahay sa No. 459 MacArthur Highway, Brgy. Dalandanan nang pumarada sa harap niya ang suspek na si PO2 Tanguilan lulan ng isang Yamaha Mio scooter.

Walang kaabog-abog na hinablot ni PO2 Tanguilan ang cellphone ng biktima, ngunit nanlaban ito kaya’t paulit-ulit na sinuntok ng pulis ang biktima hanggang sa tumulong ang kapatid ng biktima na si Ronel.

Nakatakas ang suspek tangay ang cellphone  habang naiwan nito ang scooter kaya’t nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at naaresto si PO2 Tanguilan.

vuukle comment

ANG

ANTI-CARNAPPING UNIT

BATAY

BRGY

JOHNRIC LABADIA

MIKE TANGUILAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

TANGUILAN

VALENZUELA CITY

YAMAHA MIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with