^

Police Metro

Natuklasan na may ibang lover... Mag-amo dinedo ng nobyo

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos na matuklasan ng isang obrero na siya at pinagtataksilan ng  kanyang nobya ito ay pinatay niya sa pamamagitan ng pagsakal at paglunod sa isang palangganang tubig at idinamay na rin ang amo nitong matanda na nakasaksi sa krimen naganap kamakalawa sa Parañaque City.

Kapwa natagpuang patay ang mag-among sina Erudita Santos, 91, isang dentista at kasambahay nitong si Ma. Joy Mendeza, stay-in sa #3994 Magnolia St., Sun Valley Subdivision, Barangay Sun Valley ng naturang lungsod.

Agad naman naaresto sa isang follow-up operation ang suspekna si Christian Soneja, 24,  stay-in factory worker sa Magnolia St., ng nasabing barangay at nobyo ng biktimang si Mendeza.

Batay sa ulat, nadiskubre dakong alas-2:00 ng hapon ang bangkay ng mag-amo ng isang caretaker ni Santos na si Susan.

Natagpuan ni Susan ang bangkay ng amo sa silid nito habang si Mendeza ay sa loob ng banyo.

Bago nangyari ang krimen ay dumalaw si Soneja kay Mendeza sa bahay ng amo nito dahil sila ay magkasintahan.

Habang nakaupo si Soneja ay may tumawag sa cell phone ni Mendeza, kinutuban ang una kaya’t inagaw ang cell phone at kinausap ang lalaking nasa kabilang linya.

Dito nadiskubre ni Soneja na ang lalaking tumatawag kay Mendeza ay lover nito kaya’t nagselos at kinompronta ng una na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Hinila ni Soneja si Mendeza patungong banyo at dito niya ito  sinakal at nilunod sa isang plangganang tubig hanggang sa binawian ito ng buhay.

Nasaksihan naman ni Santos ang ginawang pagpapatay ni Soneja sa nobya at para walang testigo ay pinagbalingan hanggang sa
tumakbo ito papunta ng kuwarto at dito na tinakpan ng unan ang mukha ng matanda hanggang sa ito ay mamatay.

Tumakas ang suspek, subalit sa isang follow-up operation ng mga sekyu at mga tanod ng Sun Valley Subdivision ay nadakip ang suspek na nahaharap sa kasong double murder.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BARANGAY SUN VALLEY

CHRISTIAN SONEJA

ERUDITA SANTOS

ISANG

JOY MENDEZA

MAGNOLIA ST.

MENDEZA

SONEJA

SUN VALLEY SUBDIVISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with