^

Police Metro

Container van ng DOLE sinunog ng NPA rebels

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinarang ng nasa 15 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang container van ng DOLE Philippines sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Liatimco, Lianga, Surigao del Sur at saka sinunog kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay Supt. Martin Gamba, Spokesman ng CARAGA Police, dakong alas-3:55 ng hapon nang harangin ng mga rebelde ang container van (PUU 343) na naglalaman ng mga prutas na saging na bumiyahe galing sa Brgy. Dayoan, Tago, Surigao del Sur patungong Panabo City, Davao del  Norte.

Wala namang nagawa ang driver at mga pahi­nante ng behikulo matapos na tutukan ng baril at puwersahang pababain sa behikulo ng mga armadong rebelde.

Binuhusan ng gasolina at sinilaban ng mga rebelde ang nasabing container van bago ang mga ito mabilis na nagsitakas patungo sa direksyon ng kagubatan.

Hinala na pangingikil ng revolutionary tax ang motibo ng panununog.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINUHUSAN

BRGY

DAVAO

DAYOAN

HINALA

MARTIN GAMBA

NEW PEOPLE

PANABO CITY

SURIGAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with