^

Police Metro

Negosyante nilikida sa bahay

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ang isa na namang 79-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa kanyang bahay sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Alcia, Isabela kahapon ng madaling araw.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. George Cablarda, hepe ng Alicia PNP, pinasok ng mga di-kilalang kalalakihan ang bahay ng biktimang si Rolando Mari.

Gayon pa man, naki­pagpalitan ng putok ang biktima subalit napatay din habang isinusugod sa Cacal Hospital.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 357 magnum, cal. 9mm pistol, cal. 22 revolver at Carbine rifle.?

Sa record ng pulisya, si Mari ang ikatlong negosyante na ang napapatay sa bayan ng Alicia simula pa noong Martes kung saan naunang  pinatay ang negosyanteng si Jacinto Ulep sa Barangay Calaocan habang si Rogelio Pascua naman kasama ang pamangkin na si Edilberto Castillo ay pinagbabaril habang nakikipag-inuman sa Brgy. Rizaluna noong Huwebes.

vuukle comment

ALICIA

ANG

BARANGAY CALAOCAN

BARANGAY STA

CACAL HOSPITAL

CHIEF INSP

EDILBERTO CASTILLO

GEORGE CABLARDA

JACINTO ULEP

ROGELIO PASCUA

ROLANDO MARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with