^

Police Metro

Magkaibigang dayo niratrat, utas

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa namatay noon din sa lugar ng pinangyarihan ang isang magkaibigan nang sila ay pagbabarilin ng isang lalaki habang nagkukwentuhan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rodolfo Fernandez, 38, visual artist, residente ng Blk. 7, Lot 20, Summerwind 4, Brgy. Burol Main ng nasabing bayan, at Frederick Mujar, 27, residente ng Calauag, Quezon.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi
ay nakatayo ang magkaibigan at nagkukwentuhan sa tapat ng isang bahay sa labas ng nasabing barangay nang sumulpot ang isang hindi pa kilalang lalaki at walang kaabog-abog na sila ay pagbabarilin sa ulo.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo na hindi naplakahan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril at ano ang ginagawa ng dalawang biktima sa gayong hindi sila tagaroon.

 

vuukle comment

ANG

ATILDE

BATAY

BRGY

BUROL MAIN

CALAUAG

CAVITE

DASMARI

FREDERICK MUJAR

KAPWA

RODOLFO FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with