^

Police Metro

2 turistang Hapones ninakawan ng taxi driver

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang turistang Hapones na katatapak pa lamang sa lupa ng bansa ang nadale ng sinak­yang  taxi driver na tuma­ngay ng kanilang bagahe sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa reklamo na inihain kay PO3 Jay Jacob ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section, kinilala ang mga biktimang sina Kawashina Yuki, 29; at Shingo Kumagawa, 28, mga nakatira  sa Konagawa, Japan.

Natangay sa dalawa ang kani-kanilang backpack kung saan hindi naman nakuha ang numero ng plaka ng taxi na humarurot mula sa harapan ng Sogo Hotel sa nasabing lugar.

Nabatid na nagpahatid ang mga biktima sa nasabing hotel mula sa Ninoy Aquino Internati  onal Airport (NAIA).

Nang bumaba ang dalawa ay mabilis na pinasibad ng taxi driver ang sasakyan kaya hindi na nila nakuha ang iba pang dala-dalahan kabilang ang dalawang malalaking bag.

Kabilang sa mahala­gang gamit na natangay ang Galaxy Note Edge, camera at iba’t-ibang lenses bukod sa mga personal na gamit.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

DALAWANG

GALAXY NOTE EDGE

HAPONES

JAY JACOB

KAWASHINA YUKI

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

NINOY AQUINO INTERNATI

SHINGO KUMAGAWA

SOGO HOTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with