^

Police Metro

Tandem na holdaper dedo sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad ang dalawang holdaper na sakay ng isang motorsiklo na nangholdap sa  isang babae matapos na ito umano ay manlaban nang hindi tumigil sa police checkpoint  kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang dalawang napatay na suspek ay pawang nakahelmet na isinala­rawan na nasa pagitan ng edad na 30-35,  katamtaman ang mga pangangatawan, may taas na 5’2” at nakasuot ng short pants, at t-shirt.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-12:45 ng madaling araw sa isang bakanteng lote sa Greater Lagro, Quirino Highway ay nagsasagawa ng checkpoint ang mga tropa ng QCPD Special Traffic Action Group (STAG) sa pamumuno ni Chief Insp. Rolando Lorenzo sa lugar.

Dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at nang  pahintuin para sa beripikasyon ay biglang humarurot ang mga ito.

Kaya’t hinabol ng mga pulis ang mga suspek hanggang sa nakorner sa pataas na bahagi ng kalsada at dito ay biglang namaril ang backrider sa mga otoridad sanhi upang mauwi ito sa engkwentro na ikinasawi ng dalawang suspek.

Lumalabas sa im­bestigasyon na bago ang shootout ay napag-alaman na isang Kimberly Azano, ang hinoldap ng mga suspek sa Timog A­venue, dakong alas-12:00 ng gabi na nagreport sa pulisya.

Nang buksan ang backbag na dala ng isa sa mga nasawing suspek ay narekober sa loob nito ang handbag ni Azano at dalawang kalibre 38 baril na gamit ng mga itosa panghoholdap.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIEF INSP

GREATER LAGRO

KIMBERLY AZANO

MGA

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

ROLANDO LORENZO

SPECIAL TRAFFIC ACTION GROUP

TIMOG A

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with