^

Police Metro

3 adik pinasabog sa pot session, utas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta  ang sinasabing tatlong adik sa bawal na droga habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos pasabugin ang pot session sa Barangay Bagong Nayon, Antipolo City, Rizal kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina  Michael Wong, Arthur “Art” Dela Cruz, at si Ronald Tupino habang naisugod naman sa pagamutan sina Benny Flores at Joel Starling na mga nakatira sa  nasabing lungsod.

Sa ulat na nakara­ting kay P/Supt. Dennis Macalintal, hepe ng Antipolo City PNP, magkakasamang humihithit ng shabu at nag-iinuman ang mga biktima sa loob ng bahay ni Tupino sa Sitio Tagisan 2 sa nasabing barangay nang sumiklab ang pagtatalo sa hindi nabatid na dahilan.

Gayon pa man, isa sa mga biktima ang nagpasabog ng granada na gumimbal sa kalapit na bahay kaya kaagad na rumesponde ang pulisya.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang nagpasabog ng granada pero isang nagngangalang Eric Ramos ang inaresto subalit itinanggi nito na siya ang nagpasabog.

Narekober sa blast site ang dalawang granada, mga plastic sachet ng shabu at iba’t-ibang drug paraphernalia.

 

vuukle comment

ANG

ANTIPOLO CITY

BARANGAY BAGONG NAYON

BENNY FLORES

DELA CRUZ

DENNIS MACALINTAL

ERIC RAMOS

JOEL STARLING

MICHAEL WONG

RONALD TUPINO

SITIO TAGISAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with