^

Police Metro

Lalaking matapang dedo sa parak

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 32-anyos na lalaki na mi­yembro ng Sigue-sigue Sputnik gang matapos ma­kipagbarilan sa mga rumes­pondeng pulis dahil sa pagwawala nito nang hindi makita ang dalawang kaaway na barangay tanod ka­makalawa sa Tondo, Maynila.

Ang suspek na nasa­wi sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ay kinila­lang si Wilfredo Modrigo ng Building 11, Unit 308, Vitas, Tondo.

Batay sa ulat, bago nang­yari ang barilan dakong alas-3:45 ng hapon sa likuran ng Buil­ding, Katuparan Homes, Vitas, Tondo ay sumugod ang suspek  sa barangay hall ng Barangay 101, Zone 8 na  may bitbit na sumpak at malakas ang boses na hinahanap si Brgy. EX-O Jose Mondejor at isang hindi pinangalanang barangay tanod.

Nang hindi makita ang dalawang hinahanap ay lumabas ito ng barangay hall na nagwawala at sumisigaw kaya’t humi­ngi ng police assistance sa Smokey Mountain PCP ang mga tao sa lugar.

Sa pagdating ng mga pulis ay agad sila umanong pinaputukan ni Modrigo na nauwi sa barilan na ikinasawi ng huli. - Ludy Bermudo-

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

KATUPARAN HOMES

LUDY BERMUDO

O JOSE MONDEJOR

SHY

SMOKEY MOUNTAIN

WILFREDO MODRIGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with