^

Police Metro

2 bagets nagkaproblema sa mga nobya nagbigti

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang binata ang nagbigti sa magkahiwalay na lugar sa Zamboanga del Sur at  Quezon City dahil sa pakikipagkalas ng kanilang mga nobya.

Sa Zamboanga del Sur, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Jover Jasmin,19, matapos na ito ay magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Linabo, Dapitan City nang hindi umano nito matanggap ang pakikipagkalas ng nobya.

Sa ulat, bandang  alas-11:30 ng gabi  bago nadiskubre ng tiyuhing si Amado Cañete ang pagpapatiwakal ng biktima ay naglasing muna dahil sa sobrang sama ng loob nang makipagkalas ang nobya.

Ganito rin umano ang naging problema ng isang 18-anyos na binata na hindi umanong makayanan ang nangyaring pakikipagkalas ng nobya nito  kaya’t nagbigti sa loob ng kanilang banyo sa Quezon City kamakalawa ng alas-10:00 ng gabi.

Sa salaysay ng ina na si Aling Emily, gagamit sana siya ng banyo, subalit naka-kandado ito kung kaya’t tinawag niya ang isa pang anak para buksan.

Puwersahang sinalya ang pinto at dito ay tumambad ang nakabigti ng katawan ng biktima.

Ayaw nang magsalita ang pamilya sa ugat ng pagpapakamatay ng biktima, subalit sa nakalap na impormasyon ng pamilya na hiniwalayan ito ng umano’y nobya.

vuukle comment

ALING EMILY

AMADO CA

AYAW

BRGY

DALAWANG

DAPITAN CITY

JOVER JASMIN

QUEZON CITY

SA ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with