^

Police Metro

NPA terror plot nasilat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ng militar na nasilat nila ang ‘terror plot’ ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Semana Santa   matapos marekober  ang mga armas pandigma at pampasabog  sa naganap na engkuwentro sa Purok 3, Brgy. Andap, New Bataan, Compostela Valley kahapon.

Sa ulat ni 1st Lt. Vergel Lacambra, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID), na bago nangyari ang bakbakn bandang alas-8:00 ng umaga sa nasabing lugar ay una nang ipinag-utos ni Major General Eduardo Año, Commander of the 10TH Infantry Agila Division ang pagpapa­lakas ng security measures laban sa NPA re­bels kaugnay ng nabulgar na plano ng mga itong maghasik ng terorismo kaugnay ng kanilang ika-46 taong  anibersaryo sa Marso 29  at paggunita sa Semana Santa umpisa Marso 30 hanggang Abril 5.

Nabatid na nagresponde sa lugar ang tropa ng mga sundalo nang makatanggap ng impormasyon na nangha-harass ng mga sibilyan ang mga rebelde.

Nagkaroon ng 30 minutong putukan sa pagitan ng tropa ng Army’s 66th Infantry Batta­lion (IB) at ng mga rebelde hanggang sa mapilitang magsiatras ang mga rebelde bitbit ang mga sugatan sa kanilang panig.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang mga backpacks, improvised landmine, dalawang VHF radio, dalawang bandoliers, dalawang magazine para sa M16, magazine  ng AK 47 rifle, mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan.

vuukle comment

COMPOSTELA VALLEY

INFANTRY AGILA DIVISION

INFANTRY BATTA

INFANTRY DIVISION

MAJOR GENERAL EDUARDO

MARSO

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with