^

Police Metro

NPA ambush: 3 sundalo napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong sundalo habang lima ang nasugatan nang sumabog ang itinanim na landmine  na sinundan nang  pagpapaulan ng bala ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) noong Sabado ng gabi sa highway ng bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi sa highway ng Brgy. Los Arcos, Prosperidad ay kasalukuyang bumabagtas ang convoy ng apat na military truck  ng 2nd Scout Ranger Battalion sa ilalim ng  Army’s 26th Infantry Battalion (IB) nang sumabog ang landmine at kasunod ang pagpapaulan ng bala.

Sa lakas ng pagsabog ay nahulog pa sa bangin ang isa sa mga military truck.

Isa sa mga sundalo ay dead-on-the-spot habang dalawa naman ang naipit sa truck  na siyang kumitil sa buhay ng mga ito.

Nasa 25 mga armadong rebelde ang nagpaulan pa ng putok sa nalaglag na truck sa bangin na nagresulta sa 30 minutong palitan ng putok sa pagitan ng magkalabang puwersa.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay nagawang makapagmaniobra ng mga sundalo at nakipagpalitan ng putok sa umaatakeng mga rebelde.

vuukle comment

AGUSAN

BATAY

BRGY

INFANTRY BATTALION

LOS ARCOS

NEW PEOPLE

PROSPERIDAD

SCOUT RANGER BATTALION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with