^

Police Metro

2 kidnaper todas sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ng pinagsanib na elemento ng Cafgu Active Auxiliary (CAA) at Special Action Force (SAF)  ang dalawang  kidnaper na pinaghihinalaang mula sa grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf na nagresulta rin sa matagumpay na pagkakasagip sa isang negosyanteng kinidnap sa Malamawi Island, Isabela City, Basilan kamakalawa ng gabi.

Ang nasagip na negosyante ay kinilalang si Ramon Sanson, may-ari ng convenience store na nagba-buy and sell ng kopra.

Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi nang dukutin ng limang armadong  kalalakihan  na nakasuot ng uniporme ng pulis ang biktima sa tahanan nito sa Brgy. Sta Barbara sa nasabing isla.

Nakahingi ng tulong ang mga residente sa lugar sa mga otoridad kaya’t  nagkaroon ng palitan ng putok na tumagal ng mahigit dalawang minuto na ikinasawi ng dalawang  kidnaper habang tumatakas.

vuukle comment

ABU SAYYAF

BASILAN

BATAY

CAFGU ACTIVE AUXILIARY

ISABELA CITY

MALAMAWI ISLAND

RAMON SANSON

SPECIAL ACTION FORCE

STA BARBARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with