^

Police Metro

Saksi sa pagsira ng motorsiklo, utas sa bugbog

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang isang 25-anyos na binata nang ito ay gulpihin at hatawin ng swing na bakal sa ulo ng isang 19-anyos na lalaki  kamakalawa sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite.

Ang nasawi ay  kinilalang si Karem Ilustrisimo Illut, residente ng Brgy. Acacia Silang, Cavite.
Habang naaresto ang suspek na nakilalang si Vianz Adam Avenido alias Cham Cham, ng Blk. 74, Lot 16, Zone 5, Brgy. Bulihan ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng hapon ay papunta  ang biktima sa kaibigan nito nang  makita   ng suspek na  kaagad sinugod at binugbog at hinataw ng swing na bakal sa ulo.

Kahit na sugatan ay nagawa pa nitong makauwi sa bahay at nagsabi sa kapatid na dalhin siya sa ospital.

Mabilis na dinala sa ospital ang biktima, subalit idineklara itong dead on arrival.

Nabatid na galit ang suspek sa biktima dahil ito ang saksi sa pagsira ng una sa motorsiklo ng kaibigan na nilagyan nito ng asin.

vuukle comment

ACACIA SILANG

BRGY

BULIHAN

CAVITE

CHAM CHAM

HABANG

KAHIT

KAREM ILUSTRISIMO ILLUT

MABILIS

VIANZ ADAM AVENIDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with