^

Police Metro

Bomb factory ng BIFF, nakubkob

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang bomb factory ng Bangsamoro Islamic Freedom Figh­ters (BIFF) sa pagpapatuloy ng all out offensive sa Mamasapano, Maguindanao kamakalawa.

Sa isinagawang assault operation ng militar ay nakubkob ng mga sundalo ang pinakamalaking kampo ng BIFF na pinamumunuan ni Mohammad Tambako sa Brgy.Dasikil, Mamasapano.

Kabilang sa mga narekober sa pagawaan ng bomba ng BIFF ay mga samutsaring mga kemikal na gamit sa paggawa ng bomba  tulad ng mortar fuse, ammonium nitrate , blasting caps at tie wires.

Ang all out offensive ay inilunsad ng tropa ng militar sa kasagsagan na rin ng pagsigaw ng hustis­ya ng pamilya at mga kaibigan ng 44 Special Action Force (SAF ) commandos na minasaker matapos makorner sa bakbakan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Ene­ro 25 ng taong ito.

Ang BIFF, ay ang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sangkot sa pambobomba sa Central Mindanao.

Simula nang ilunsad ng AFP ang all  out offensive noong nakalipas na linggo ay nasa 3 sundalo ang nasugatan habang nasa mahigit 20 ang nalagas sa BIFF.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGH

BRGY

CENTRAL MINDANAO

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

MOHAMMAD TAMBAKO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

OPLAN EXODUS

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with