^

Police Metro

4 mag-utol patay sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na nakalabas sa nasusunog nilang bahay ang apat na magkaka­patid kabilang ang isang sanggol na lalaki matapos lamunin ng apoy ang kanilang tahanan kamakalawa sa Brgy. Sta. Rosa II, Marilao City, Bulacan.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang magkakapatid na sina Jeery Ann Aican, 4-anyos; Jemerie, 3-an­yos; Ashley Jane, 2-anyos at ang bunsong si Jeremy Sotayco, 2-buwan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang sunog dakong alas-8:00 ng gabi sa bahay ng pamilya Sotayco sa Mary Grace Subdivision, Brgy. Sta.Rosa 2, Marilao City ay saglit na iniwan ng ina ang kanyang apat na anak na mahimbing na natutulog na may nakasinding kandila dahil sa walang kuryente ng mga oras na iyon.

Sa pagbalik ng ina ay nakita nito ang kanilang bahay na nilalamon ng apoy na hindi na niya nagawang mailigtas ang mga na anak.

Halos umabot sa isang oras ang sunog bago ito tuluyang naa­pula dakong alas-9:23 ng gabi nang mga bumbero.

Ang magkakapatid na paslit ay pawang nagtamo ng 3rd degree burn na unang isinugod sa Saint Michael Hospital bago inilipat sa Philippine General Hospital kung saan pawang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Batay sa imbestigasyon na natumba ang kandila na iniwan ng ina na siyang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

ASHLEY JANE

BATAY

BRGY

JEERY ANN AICAN

JEREMY SOTAYCO

MARILAO CITY

MARY GRACE SUBDIVISION

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SAINT MICHAEL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with