^

Police Metro

Utol ng PSG utas sa ex-navy

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 24-an­yos na lalaki na kapatid ng miyembro ng Presidential Security Group (PSG)  matapos na ito ay barilin ng isang da­ting miyembro ng Phil.Navy habang nakatayo kahapon ng madaling araw sa Apitong St., Kahilum 1, Pandacan, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Luis Puno, residente ng no. 1748  Kahilum 1, Pandacan na kapatid ng isang Louie Puno, 46-an­yos, mi­yembro ng Presidential Security Group (PSG) na nakatalaga sa Bureau of Fire Protection sa loob ng Malacañang Park.

Ang suspek na naaresto ng kapatid ng biktima ay kinilalang si Eligio Muyco, 38, dating miyembro Phi­lippine Navy na nasibak sa serbisyo noong 2008.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay nakatayo ang biktima sa nasabing lugar nang ito ay lapitan ng  suspek at binaril sa sikmura.

Nang tumumba ang biktima at tumakas ay tiyempo namang nakasalubong ni Louie ang mga suspek at hinabol ito hanggang sa maaresto si Muyco habang ang isang kasama nito na nakilalang si Rowel Lagamia ng 24 Doña Aurora, Parang, Marikina City ay naaresto sa isang follow-up operation.

 

vuukle comment

APITONG ST.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

ELIGIO MUYCO

KAHILUM

LOUIE PUNO

LUIS PUNO

MARIKINA CITY

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with