^

Police Metro

Bebot inutas ng selosong lover

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 21-anyos na babae matapos na siya ay saksakin ng kanyang selosong live-in partner naganap kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng saksak sa iba’ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Jovelyn Bitong, ng 16 Bisig ng Nayon St., Barangay 4 ng lungsod.

Tumakas naman ang  live in partner nito na si Rodrigo Alejo, 25.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, dakong ala-1:30 ng madaling araw sa loob ng inuupahang apartment ng mag-live in ay umuwing lasing si Alejo at kinompronta si Bitong hinggil sa mga narinig na tsismis na mayroon itong lalaki. 

Itinanggi ng biktima ang alegasyon, subalit hindi naniwala si Alejo kaya’t nauwi ito sa pagtatalo ng dalawa.

Habang nagtatalo ay kumuha ng patalim ang suspek at inatado ng saksak ang biktima.

vuukle comment

ALEJO

BISIG

BITONG

CALOOCAN CITY

HABANG

ITINANGGI

JOVELYN BITONG

NAYON ST.

RODRIGO ALEJO

TUMAKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with