^

Police Metro

Guro tinodas ng 2 kasama

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pampublikong guro ang pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakilalang  kalalakihan kamakalawa sa Purok Doña Iming, Barangay Sanito, Ipil, Zamboanga.

Ang  biktima na nasawi dahil sa apat na tama ng bala ay kinilalang si Roderic Ernie Menez, 34, guro sa Magdaup Elementary School at residente ng Purok Mirasol, Brgy. Poblacion ng lalawigan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO)9, bago nangyari ang krimen dakong alas-12: 35 ng hapon ay sakay ang biktima ng isang tricycle kasama ang dalawang lalaki na hindi pa kilala na  sumundo sa kanya.

Pagdating sa Brgy Sanito ay bumaba na ang biktima kasama ang dalawang lalaki at naglakad na patungo sa isang fishpond sa lugar nang ito ay pagbabarilin ng kasama nitong dalawang lalaki.

 Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga otoridad ang  motibo ng krimen at pinaghahanap ang dalawang lalaking kasama nito.

vuukle comment

BARANGAY SANITO

BRGY

BRGY SANITO

ISANG

MAGDAUP ELEMENTARY SCHOOL

POLICE REGIONAL OFFICE

PUROK MIRASOL

RODERIC ERNIE MENEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with