^

Police Metro

Maglola sinalpok ng bus

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay agad ang isang 63-anyos na lola habang nasa kritikal na kalagayan ang 20-anyos nitong apo matapos na sila ay masalpok ng isang pampasaherong bus habang tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Sampalok 2, Dasmariñas City,Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Gregoria Cuyom, ng #261 Brgy. Sampalok 2, habang inoobserbahan ang apo nito na si Angeli Joy Cuyom.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay sabay na tumatawid ang maglola sa nasabing highway nang sila ay masalpok ng bus (DWV-379) na minamaneho ng suspek na si Christopher Bentoso, 42, may-asawa, ng Riverside, Brgy. Zone 1A ng lungsod.

Napuruhan sa ulo ang matanda habang ang apo ay tumilapon at nasagasaan pa ng paparating na kotse na may plakang (MRX-868) na hindi huminto.

Isinugod sa Asia Medic Hospital ang maglola na kung saan ay namatay ang matanda.

vuukle comment

AGUINALDO HIGHWAY

ANGELI JOY CUYOM

ASIA MEDIC HOSPITAL

BRGY

CAVITE

CHRISTOPHER BENTOSO

DASMARI

GREGORIA CUYOM

SAMPALOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with