^

Police Metro

2 lalaki sinalvage sa Antipolo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang bangkay ng lalaki na kapwa nakaposas na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan kahapon ng alas-4:00 ng madaling araw sa magkahiwalay na lugar sa Antipolo City.

Inilarawan ang unang biktima na tinatayang nasa edad na 27-30, may taas na 5’5”-5’6”, nakasuot ng puting t-shirt at blue na short pants na natagpuan sa gilid ng kalsada ng Barangay Sta. Lucia, Sumulong Highway.

Ang ikalawang biktima naman ay natagpuan, may 100 metro ang layo mula sa kinatagpuan ng unang biktima ay tinatayang nasa edad 32-34, may taas na 5’7”, nakasuot ng itim na t-shirt at maong na
short.

Ang dalawang biktima ay kapwa nagtamo ng tig-tatatlong tama ng bala at nakaposas na patalikod ang mga kamay.

Sa salaysay sa pulisya ng mga residente na sinasabing nakarinig sila ng pagmamakaawa at kasunod ay putok ng mga baril.

Narekober ng pulisya ang tig-tatlong basyo ng bala ng kalibre 45 baril malapit sa bangkay ng dalawang biktima.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY STA

BIKTIMA

DALAWANG

INILARAWAN

NAREKOBER

NATAGPUAN

SUMULONG HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with